Bocaue, Bulacan – Matumal na ang bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Ito ay kasunod ng mahigpit na regulasyon ng pamahalaan hinggil sa pagbebenta at paggamit ng firecrackers at pyrotechnics.
Ayon kay Police Deputy Director General Fernando Mendez Jr., na tubong San Miguel – aminado ang mga gumagawa ng paputok na bumaba ng 50 hanggang 70 porsyento ang bentahan ng paputok.
Nakadagdag pa anila ang hindi agad pag-aanunsyo ng mga firecracker zones.
Ilan sa mga pinakamabiling paputok ay ang sawa, five star at kwitis na pinapayagan lamang sa mga firecracker zones.
Facebook Comments