Paputok-free ngayong Bagong Taon, panawagan ng Ecowaste at PAWS

Nagsagawa ng programang ‘Iwas PapuToxic’ ang EcoWaste Coalition at Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa isang mall sa Quezon City ngayong araw.

Ang programa ay panawagan nila sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok at fireworks sa darating na Bagong Taon.

Ayon kay Atty. Anna Cabrera, PAWS Executive Director, na ang layunin ng aktibidad ay maprotektahan ang mga hayop lalo na ang mga aso’t pusa pati na rin ang kalusugan ng tao at kalikasan mula sa masamang epekto ng malalakas na pagsabog at nakalalasong usok.

May pet parade at malikhaing pagtatanghal sa isinagawang programa para hikayatin ang mas ligtas at makakalikasang paraan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Para naman kay EcoWaste National Coordinator Aileen Lucero na ang pagdiriwang na walang paputok ay makababawas sa polusyon, pinsala, at takot na nararanasan ng mga hayop.

Facebook Comments