PAPUTOK | Mga tindahan at pagawaan, ininspeksyon

Bulacan – Muling nag-inspeksyon ang provincial government ng Bulacan at iba’t ibang ahensiya sa mga pagawaan at tindahan ng paputok sa San Rafael.

Ayon kay Celso Cruz, chairman ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers Dealers Association Incorporated, ito ay para siguruhing ligtas at pasado sa standards ang mga produkto.

Nilinaw naman ni Cruz na hindi ipinagbabawal ang lahat ng klase ng paputok at pailaw.


Aniya, hinigpitan lang ang pagbabawal ng mga dati nang ilegal na paputok tulad ng picolo at 5 star.

May mga designated areas na rin aniya kung saan pwedeng gamitin ang mga pailaw, tulad ng fountain.

Kasabay nito, tiniyak ni Bulacan Govenor Wilhelmino Sy-Alvarado na bukod sa mga legal na pagawaan, babantayan din nila ang mga maliliit na tindahan kung saan karaniwang naipupuslit ang mga bawal na paputok.

Facebook Comments