Para 5-6 na Bombay, Ninakawan sa Catanduanes

Isang Bombay na negosyante at konektado sa pagpapautang ang nabiktima ng robbery kahapon doon sa bayan ng Viga, probinsiya ng Catanduanes.

Ayon sa report ng Philippine National Police Regional Office 5 na nakabase sa Legazpi City, kinilala ang biktima na si Tejinder Signh Toor, isang Indian national, edad 29.

Naganap ang insidente sa Brgy. Sandri, Viga, Catanduanes bandang alas 3:40 ng hapon. Nakuha mula sa biktima ang perang tinatayang nasa sampung libong piso at mga alahas nito na nagkakahalaga ng 42,000 pesos.


Ayon pa sa report isang unidentified person ang pwersahang pumasok sa kusina ng pamamahay ni Toor at tinangay ang cash at mga alahas ng biktima.

Facebook Comments