Manila, Philippines – Kinumpirma ng Malacañang na natuloy sa Kuwait ang Philippine delegation para kausapin ang kuwaiti government at ayusin ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.
Umalis ang delegasyon kagabi bilang pagsunod narin sa utos ni Angulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kasama niya sa biyahe patungong Kuwait sina Labor Secretary Silvestre Belo III, dating Labor Secretary Marianito Roque, Labor Attache Rustico dela Fuente, at Deputy Chief of Mission in Kuwait Mohd Noordin Lomondot.
Sinabi ni Roque na nakapulong nila ang mga opisyal mula sa ministry of interior ng Kuwait kung saan umaasa ang dalawang panig na maaayos din ang diplomatic issue.
Inaasahan din aniya na malalagdaan ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng dalawang bansa at kinikilala din aniya ng Kuwaiti government ang kahalagahan ng mga Pilipino sa kanilang bansa.
Nagkasundo din aniya na bumuo ng special unit ang Kuwaiti police na siyang makikipagugnayan sa Philippine embassy doon para matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino nang hindi lalampas sa 24 na oras.
Inanunsiyo din ni Roque na dahil sa naganap na pulong ay pinakawalan na ng Kuwaiti authorities ang 4 na drivers na nakakulong na sinasabing kasama. Sa isinagawang rescue operations sa mga distressed OFWs.
Tiniyak din ni Roque na makakauwi ang hindi tataas sa 600 Undocumented OFWs na walang kaso at hindi bababa sa 150 naman ang makakasama ng Philippine delegation pauwi dito sa Pilipinas.
Kapansinpansin naman na wala sa eksena si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na siyang dapat na gumagawa ng mga ganitong hakbang bilang Foreign Affairs Secretary.