Para ‘di kumalat ang COVID-19: Graduation rites, dapat munang suspendihin

FILE PHOTO FROM AP

Dapat ipagpaliban muna ang graduation rites sa lahat ng antas ng eskuwelahan sa bansa para maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus (COVID-19).

Ito ang iminungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) kasunod ng deklarasyon ng “state of public emergency health” dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso.

“I strongly urge the Deped to suspend the graduation in high school and moving up activities in junior high school and also daycare graduation,” saad ni Gatchalian sa isang panayam.


Aniya, nasa tatlong milyong senior high school students ang inaasahang magtatapos ngayong school year.

“Alam naman natin pag graduation ‘yung mga magulang from abroad bumabalik talaga for that graduation… Yung pag-travel nila puwedeng mahawaan sila nung katabi nila sa eroplano at ‘yung sakit ay madadala dito sa atin.”

“Papasa pa rin ‘yung bata. Puwede pa rin siya pumasok next school year pero ‘yung ceremonies… postponed muna to a later date,” dagdag ng mambabatas.

Maliban sa graduation, nanawagan rin ang senador sa kagawaran na suspendihin ang iba pang mga aktibidad kagaya ng field trips, film showing, o junior-senior promenade night.

“Huwag na nating hintayin pang magkaroon ng kumpirmadong kaso sa ating mga mag-aaral, mga magulang, guro, at iba pang mga kawani sa paaralan.”

Sa ngayon, umakyat na sa 35 ang mga tinamaan ng kinatatakutang sakit, ayon sa Department of Health (DOH).

Facebook Comments