Manila, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang bagong departamento sa naganap na cabinet meeting kagabi.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, isang Department for Disaster Resilience ang bubuuin ng Administrasyon na siyang tututok sa mga hakbang ng Pamahalaan para mabawasan ang mga mabibiktima ng kalamidad at tutukan ang pagtulong sa mga mabibiktima ng mga kalamidad tulad ng pagtatayong muli ng mga masasalandang komunidad.
Nakatakda din aniyang bumuo ang ehekutuibo ng isang panukala para sa pagbubuo ng bagong departamento at saka ito isusumite sa kongreso.
Sinabi ni Roque na ito ay bilang pagtupad narin sa naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address noong nakaraang taon.
Kaugnay niyan ay sinabi ni Roque na babasahin ni Pangulong Duterte ang kanyang SONA Speech at tatagal lamang ito ng hindi lalampas sa 35 minuto, napili din aniyang Direktor si joyce Bernal para sa SONA.