Manila, Philippines – Handa ang gobyerno na pangalanan ang mga opisyal ngbarangay na pinaniniwalaang sangkot sa illegal drug trade.Nabatid na ibinunyag ni Department of Interior and Local Government (DILG)Usec. Martin Diño na aabot sa 9,000 barangay officials ang kabilang sanarco-list ng Pangulo.Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – maiiwasan nito na maibotomuli sila sa nalalapit na barangay elections sa mayo.Ipinauubaya na aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso ang desisyonkung itutuloy ang halalan sa Mayo o ipagpapaliban muli ito.Pero ani Roque, iginiit din ng Pangulo na sana matuloy na ito.
Facebook Comments