Manila, Philippines – Ikinatuwa ng pamilya Ortega ang muling pagbabalik sa kulungan ni dating Palawan Governor Joel Reyes.
Sa interview ng RMN kay Micael Ortega, anak ng pinaslang na environmentalist na si Gerry Ortega, bagamat ang muling pagkakakulong ni Reyes ay dahil sa kasong graft at hindi sa kaso ng kanyang amo, masaya pa rin sila.
Ayon kay Mica, dahil sa naging desisyon ng Sandiganbayan, matityak na hindi makakalabas ng bansa si Reyes.
Sa ngayon ay nakahain na sa Court of Appeals ang petisyon ng Solicitor General para baliktarin ang nauna nitong desisyon na palayain ang dating gobernador dahil sa murder case.
Kagabi ay kusang sumuko si Reyes sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan sa Taguig.
Sa interview ng RMN sa tagapagsalita ni Reyes na si Rolando Bonoan – agad silang maghahain ng motion for reconsideration sa kaso ni Reyes.
August 29, 2017, hinatulan ng walong taong pagkakakulong ng hukuman si Reyes na guilty sa pagbibigay ng permit sa isang mining firm na hindi dumaan sa tamang proseso.