Manilas, Philippines – Mahigpit na babantayan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Police Commission (NAPOLCOM) ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang isasagawang anti-drug operations upang matiyak na hindi ito abusuhin.
Ayon kay DILG Officer-In-Charge Eduardo Año, kailangan ang Close Monitoring sa Implementation ng bagong guidelines para matiyak mawala ang alegasyon ng Human Rights Violations.
Ipinaliwanag din ni ano, na ang probisyons ng bagong inilabas na PNP guidelines ay may kaakibat na accountability.
Ang ‘One-Strike Policy’ ay ipinatupad na sa mga miyembro ng PNP sa ilalim ng Chief of Police (COP) sa mga naaresto at kinasuhan na sangkot sa illegal drugs.
Kailangan gumawa ng report sa kanilang illegal-drugs related activities/personalities sa komunidad sa kanilang mga Superior Officer para malaman ang mga nagpapabaya sa kani-kanilang mga trabaho.
Ang 100% aninya na pagtatas ng suweldo ng mga miyembro ng PNP ay kailangan naman nila suklian ng magandang serbisyo at para mawala na rin ang ‘Bad Eggs’ sa Police Organization.