PARA KONTROLIN | Joint Exploration sa WPS, nakikitang solusyon para makontra ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na ang Joint Exploration sa South China Sea ang sagot sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa World Market.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa kasabay narin ng pagamin nito na hindi nila kontrolado ang presyohan ng langis sa merkado kung saan pumalo na ngayon sa 60 kada litro ang presyo ng petrolyo sa mga gasolinahan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kailangan talagang ipursige ang joint exploration at dapat isantabi na ang anomang hidwaan ng anomang bansa.


Inihayag din ni Roque na wala talagang magagawa ang Malacañang para pigilan ang pagtaas ng presyo ng gasoline sa merkado dahil hindi naman maaaring basta nalamang suspindihin ang pagsingil ng excise tax sa petrolyo.

Nabatid na base sa probisyon ng TRAIN law ay kailangang manatili sa 80 dollars per barrel ang average price ng langis sa pandaigdigang pamilihan sa loob ng 3 buwan bago suspindihin ng pamahalaan ang excise tax na sinisingil sa petrolyo na pumapasok sa Pilipinas.

Facebook Comments