Manila, Philippines – Bumuo na ng technical working group ang House Committee on Natural Resources para mai-deklarang protected area ang Philippine rise. Sa ilalim ng House Bill 6036 na inihain ni Muntinlupa Reresentative Ruffy Biazon, layunin na magtatag ng Philippine Rise Natural Park upang maprotektahan at ma-preserve ang likas yaman ng teritoryo. Ayon kay Biazon, ang Philippine Rise ay hindi pa nagagalaw o napupuntahan man lang dahil may kalayuan ito sa coastline at sa mga tao. Mahalaga aniya na may batas na po-protekta sa Philippine Rise dahil malalantad ito sa exploitation na maaaring mauwi sa pagkasira at tuluyang mawala sa bansa lalo pa at mainit din ito sa mata ng China. Inihalimbawa ni Biazon ang ancient reefs ng Australia at Hawaii na nasira bunsod ng polusyon, destructive fishing, at climate change dahil na rin sa kawalan ng batas na poprotekta dito.
PARA MA-PRESERVE | Philippine rise, ipinapadeklarang protected area
Facebook Comments