PARA MADETERMINA | Dagdag na panahon, kailangan para malaman kung may epekto sa inflation ang TRAIN Law

Manila, Philippines – Sa tingin ni Senator Win Gatchalian, kailangan pa ng isang quarter o tatlong buwan para madetermina kung dapat na bang isuspinde ang dagdag na buwis sa produktong petrolyo na nakapaloob sa tax reform for acceleration ang inclusion o TRAIN Law.

Pahayag ito ni Gatchalian, matapos ang pagdinig ng pinamumunuan nyang committee on economics kung saan iginiit ng Dept of Trade and Industry na umabot lamang sa 4 hanggang 11 sentimo ang nadagdag sa presyo ng basic commodities dahil sa TRAIN Law.

Lumabas din sa pagdinig na nakadagdag sa pagtaas ng inflation rate ang problema sa suplay ng NFA rice.


Sabi ni Gatchalian, kung matapos ang ikatlong bahagi ng taon at mapatunayan ang malaking epekto ng TRAIN Law sa presyo ng mga bilihin at serbisyo ay saka niya irerekomenda na suspendehin ang dagdag buwis sa gasolina at diesel.

Kasama din sa planong irekomenda ni Gatchalian ang pagtaas ng unconditional cash transfer sa mga mahihirap na pamilya sa 400 hanggang 450-pesos mula sa kasalukuyan 200-piso lamang.

Samantala, si Senator Bam Aquino naman ay desidido ng maghain ng panukala bukas na magaamyenda sa TRAIN Law para suspendihin ang buwis sa petroleum products.

Facebook Comments