PARA MADISIPLINA | Under performing at low quality schools at hospitals, papatawan ng mataas na buwis

Manila, Philippines – Papatawan ng mas mataas na buwis ang mga underperforming at low quality na mga paaralan at ospital.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua, layunin nito na disiplinahin ang mga paaralan at ospital na hindi nagpe-perform ng maayos at nagbibigay ng mababang kalidad ng serbisyo.

Sa ilalim ng Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities o TRABAHO Law, papatawan ng 15% hanggang 20% taxable income ang mga proprietary educational institutions at non-profit hospitals sa bansa.


Nakasaad sa panukala na 10% na kasalukuyang tax muna ang ipapataw sa loob ng dalawang taon matapos ang implementasyon ng batas, 15% naman sa susunod na tatlong taon at 20% tax na sa mga susunod pang mga taon.

Maaari namang ipako lamang sa 10% ang tax ng mga ito kung nakakasunod ang mga paaralan at ospital sa criteria at evaluation mula sa CHED, DepEd at DOH.

Giit ni Cua, malaki ang posibilidad na magsara ang mga underperforming schools at hospitals kung hindi nito makukuha ang standards at matutumbasan ang ibinabayad ng publiko para sa de kalidad at maayos na serbisyo.

Facebook Comments