Iginiit ng Armed Forces of the Philippines na nais lamang ng Communist Party of the Philippines – New Peoples Army -National Democratic Front na makabawi ang kanilang pwersa kaya nagmamadali silang isulong ang peacetalks.
Ito ang hayagang sinabi ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo
Paliwanag ni Arevalo, sakaling muling maisulong ang peace talks, otomatikong ipatutupad ng pamahalaan ang ceasefire o tigil putukan.
Ang pagkakataong ito aniya ay sinasamantala ng CPP-NPA-NDF para sila makapag recruit at makapagpalakas ng kanilang pwersa.
Pero nilinaw ni Arevalo na hindi sila tutol sa usapang pangkapayapaan sa halip buo ang kanilang suporta rito pero katulad ng desisyon ng Pangulo kailangan itong pagaralang mabuti kaya naaantala.
Sa ngayon kasi batay sa datos ng AFP bumaba na ang insidente ng panggugulo ng NPA.
Ang insidente aniya ng panununog noong taong 2017 ay umabot sa 77 pero sa unang quarter ng taong 2017 ay umabot na lamang sa 18.
Bumaba naman aniya sa isa sa unang quarter ng taong 2018 ang insidente ng kidnapping mula sa 25 insidente noong taong 2017.
Kabuuang 6,659 naman na mga regular na miyembro, militia ng bayan at supporter ang neutralize ng militar.
79 rito ay naaresto habang 68 ang nasawi, aabot naman sa 736 na mga low at high powered firearms ang nakumpiska mula sa NPA.