Manila, Philippines – Pinababantayan ng Philippine National Police (PNP) ang sumukong 1.2 million suspected drug users at pushers.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, inatasan na niya ang lahat ng police commanders na alamin ang kinaroroonan at aktibidad ng mga drug personalities na sumuko noong 2016 hanggang sa mga unang buwan ng 2017 para matiyak na nagbago na ang mga ito.
Hakbang ito ng PNP kasabay ng recalibrated war on drugs base na rin sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kampanya kontra droga ay magiging ‘relentless’ at ‘chilling’.
Facebook Comments