PARA MAKUMPLETO | Senator Gatchalian, umapela kay Pangulong Duterte na agad magtalaga ng mga bagong opisyal ng COMELEC

Manila, Philippines – Nanawagan si Senator Win Gatchalian kay Pangulong Rodrigo Duterte na agad na magtalaga ng tatlong bagong opisyal na kukumpleto sa 7-man election body ng Commission on Elections o COMELEC.

Ang apela ni Gatchalan ay makaraang magretiro din ang dalawa sa kanilang senior commissioners na sina Christian Robert Lim at Arthur Lim.

Ayon kay Gatchalian, dapat mapalitan agad sina Commissioners Lim para masigurong hindi maaantala ang preparasyon sa darating na Barangay at Sangguning Kabataaan Election sa mayo at midterm national elections sa 2019.


Dagdag pa ni Gatchalian, maaari pang maisama sa bulto ng trabaho ng COMELEC ang posibilidad ng mga plebesito para sa Charter Change at Bangsamoro Basic Law.

Facebook Comments