PARA MAPAKINABANGAN | Refund mula sa Sanofi, gagamiting supplemental budget

Manila, Philippines – Hihingi ng permiso ang Department of Budget and
Management at Department of Health (DOH) sa kongreso para magamit sa mga
nabakunahan ng Dengvaxia ang mahigit isang bilyong refund na nakuha ng DOH
sa Sanofi Pasteur.

Sabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno, magpepetisyon sila at ang DOH sa
kongreso para magamit na supplemental budget ang refund.

Idedetalye sa petisyon kung paano gagamitin ang mahigit sa isang bilyong
pisong refund.


Mahigit sa 700 million pesos ang ilalaan para sa medical assistance ng mga
mahihirap na batang nabakunahan ng Dengvaxia at nagkasakit.

Habang mahigit 200 million pesos naman para sa pagbili ng mga medical kit
at mahigit 100 million pesos para sa sahod ng mga health officer na
ide-deploy sa mga lugar kung saan naroon ang mga batang nabakunahan ng
Dengvaxia.

Ang mga medical kit na nagkakahalaga ng P800 ay naglalaman ng thermometer,
multi-vitamins at mga mosquito repellant ay ipamamahagi sa mga mahihirap na
nabakunahan ng Dengvaxia.

Facebook Comments