PARA MAPANGALAGAAN ANG LIKAS NA YAMAN | China, isinusulong ang pagtatayo ng national marine park sa South China Sea

China – Isinusulong ngayon ng mga mambabatas sa China ang pagtatayo ng national marine park sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea.

Sabi ni Deputy Communist Party Sec. Deng Xiaogang, mas mapapangalagaan ang likas na yamang taglay ng South China Sea kung mayroon itong National Marine Park.

Ayon naman kay Professor Wang Changren ng Tropical Ocean University Party, dapat magkasundo ang lahat ng may inaangking teritoryo sa South China Sea para pangalagaan ang marine ecology ng rehiyon.


Matatandaan na bumuo na ng artificial islands ang China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Facebook Comments