Manila, Philippines – Nais ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ipasok sa 2019 national budget ang nalalabing pondo ng road user tax na pinangangasiwaan ng Road Board.
Ayon kay Sotto, ito ay para maprotektahan at magamit ng tama ang natitirang koleksyon ng road user tax.
Giit ni Sotto, itinuturing na ring buwag na ang Road Board matapos aprubahan ng Kongreso ang panukalang batas na nagbubuwag rito.
Naipadala na rin aniya sa Malacañang ang kopya ng panukalang batas na inaasahang susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang road user tax o motor vehicle user charge ay kinokolekta tuwing ipinarerehistro ang mga sasakyan.
Facebook Comments