PARA MAPROTEKTAHAN | SC, inirekomenda ang pagpapatrolya ng AFP sa karagatan ng Pilipinas

Manila, Philippines – Tungkulin ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Konstitusyon na protektahan ang exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Ayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio, bilang Commander-in-Chief, may constitutional duty si Pangulong Duterte na tiyakin na nagsasagawa ng regular naval at aerial patrol ang Armed Forces of the Philipines sa EEZ ng bansa.

Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang EEZ ay hanggang 200 nautical miles mula sa baseline kung saan ang estado ay mayroong sovereign rights sa natural resources sa loob ng nasabing teritoryo.


Iginiit ni Carpio na ang tanging paraan para maprotektahan ang ating EEZ ay ang magsagawa ang Philippine Navy at Philippine Air Force ng naval at aerial patrol sa nasabing teritoryo nang sa gayon ay matunton at maaresto ang mga iligal na nangingisda at mga polluter sa lugar.

Idinagdag ni Carpio na Ang pagpapatrolya ay hindi tumutukoy sa isyu ng freedom of navigation o overflight kundi sa pagpo-protekta sa EEZ ng Pilipinas.

Facebook Comments