Manila, Philippines – Pinaigting pa ng Manila Police District ang seguridad sa paligid ng Korte Suprema.
Ito ay dahil sa posibleng pagdaraos ng mga pagkilos pabor at kontra sa kinakaharap na impeachment complaint ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sabi ni MPD spokesman Police Supt. Erwin Margarejo, magpapakalat sila ng sapat na bilang ng mga pulis sa bisinidad ng Supreme Court sa Padre Faura St. sa Ermita, Manila.
Layunin nitong matiyak ang kaayusan sa kabila ng “indefinite leave” ni CJ Sereno para makapaghanda sa impeachment.
Kabilang sa mga itatalaga sa lugar ay ang mga anti-riot police na nagpapanatili ng maayos na sitwasyon sa lugar.
Facebook Comments