PARA MATULUNGAN | DSWD, may pondo pa para sa mga residente ng Boracay

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na may pondo pa sila para tulungan ang mga residente sa Boracay Island

Sa interview ng RMN-Manila kay DSWD Acting Secretary Emmanuel Leyco , maingat ang pamamaraan ng pagpapalabas ng pondo upang matiyak na nakakarating ito sa mga tamang benepisyaryo.

Aniya, ginagawa ito sa pamamagitan ng mga alok na programa na makakatulong sa apektadong pamilya at indibidwal habang sumasailalim sa anim na buwang rehabilitasyon ang isla ng Boracay.


Sinabi ni Leyco na hindi rin nawawala ang ugnayan ng DSWD at Department of Labor and Employment upang mabigyan ng livelihood opportunities ang mga affected individuals .

Sa ngayon, prayoridad ng ahensiya na mabigyan ng agarang tulong ang mga nawalan ng kabuhayan; magpatupad ng social case management at community-based development programs; at pangasiwaan ang rehabilitasyon sa pamamagitan ng mga programa ng pamahalaan.

Facebook Comments