Manila, Philippines – Hinikayat ni Senador JV Ejercito ang mga kasamahan niyang Senador iprayoridad ang mga panukalang batas na naglalayong mabigyan ng tulong ang mga problemadong Overseas Filipino Workers o OFWs.
Kabilang dito ang dalawng panukalang batas na inihain ni Senator Ejercito para sa kapakanan ng mga mangagawang Pilipino sa abroad.
Ito ay ang Senate Bill 157 na naglalayong amyendahan ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 para magamit ang “legal assistance fund” na pantulong sa mga OFW na nahaharap sa parusang kamatayan.
Binanggit din ni Ejercito ang Senate Bill 1858 na layuning bumuo ng special assistance fund na gagamitin sa pagtulong sa lahat ng gastusin ng mga distressed Filipino workers.
Facebook Comments