PARA PLAKADO | DILG, gustong muling isailalim sa training ang mga public school teachers na magsisilbing BEI sa halalan sa Mayo 14.

Manila, Philippines – Nais ng Department of Interior and Local Government sa Commission on Elections na muling isailalim sa training ang mga public school teachers na magsisilbing Board of Election Inspectors sa halalan sa Mayo 14.

Kasunod ng apela ng mga guro sa Pangasinan lalo pa at ang botohan at bilangan sa halalan ay manual.

Ayon kay DILG Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan Malaya , isang malaking hamon para sa mga guro na maglilingkod bilang BEI dahil asahan na ang pressure mula sa mga poll observers,mga supporters ng mga kandidato at maging sa mga botante.


Dapat lang na malaman ng mga guro ang kanilang mga tungkulin upang matiyak na walang mangyayaring aberya o irigularidad sa araw ng halalan.

Ang huling manual election sa bansa ay ginanap noong November 2013 Barangay election at sumunod na ang
Automated elections noong May 2013 midterm at May 2016 Presidential elections.

Facebook Comments