PARA SA KABABAIHAN | 3rd Provincial Women’s Convention ginanap!

Muling nagtipon tipon ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang parte ng Pangasinan upang makilahok sa kagila gilalas na Caribbean Dance Presentation na parte ng 3rd Provincial Women’s Convention na ginanap noong Marso 21, 2018.
Sa kanilang nakamamanghang execution ng salsa at mambo dance steps ay nai uwi ng bayan ng Bani Pangasinan ang trono ng kampyonato, samantala kasama naman sa mga runner up ang bayan ng Bautista at Malasiqui
Iginawad ni Provincial Social Welfare and Development Officer Emilio Samson, sa ngalan ni Governor Amado I. Espino, III; kasama sila Urbiztondo Vice Mayor Marilyn Sison, Local Councils of Women – Provincial Chairperson; Kapisanan ng Liping Pilipina Provincial President Eufrosina Evangelista at Vice President Lovenia Jasmin ang cash prizes para sa top three winners at certificates of recognition pagkatapos ng nasabing kompetisyon na ginanap sa Provincial Training and Development Center dito sa Pangasinan
Ang iba namang grupong nakilahok sa Caribbean dance competition tulad ng bayan ng Bayambang, Bolinao, San Fabian, San Quintin, Mangatarem, Pozorrubio, Agno, Bugallon, and siyudad ng Urdaneta at San Carlos ay nakatanggap ng consolation prizes.

Nagpakitang gilas naman ang Pangasinan PPO – EVA, ang dating kampyon ng Caribbean dance compitition.
Samantala nagsagawa naman ang provincial government sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng forum tungkol sa Women’s Education and Population Growth, na iprinisenta ni Provincial Population Officer Ellsworth Gonzales.

Kasama ang Event partner, JCI Lingayen Liberation II, kasama ang iba pang local chapters ng JCI Philippines – Northern Luzon region ay isinagawa nila launching ng the Pinay Power project, na magbibigay ng libreng beauty make over, skills and livelihood training, legal consultation at HIV awareness campain para sa mga kasali sa women’s convention.
Ang women’s convention ang naging highlight ng National Women’s Month provincial celebration, na may temang: We Make Change Work for Women” #WomenMakeChange.


Facebook Comments