*Manila, Philippines – Pinasinayaan ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of Singapore (CAAS) ang Automatic Dependent Surveillance Broadcast (ADS-B) sa bayan ng Bataraza sa lalawigan ng Palawan.*
*Ang ADS-B project ay state-of-the-art surveillance technology na layon gawin mas ligtas ang mga flight at mahusay ang air traffic management.*
*Ang teknolohiya ng ADS-B ay nagbibigay-daan sa isang sasakyang panghimpapawid upang matukoy ang posisyon nito sa pamamagitan ng satellite navigation.*
*Ang isang eroplano na nilagyan ng ADS-B ay maaaring mag-broadcast ng mga impormasyon tulad ng kanilang identities o pagkakakilanlan, posisyon, altitude, at bilis ng dalawang beses bawat segundo.*
*Gamit ang teknolohiyang ito, ang air traffic controllers ay magagawang planuhin ang daloy ng trapiko sa himpapawid nang mas mahusay, mas ligtas, at mabawasan ang potensyal ng mga flight delay dahil sa air traffic congestion.*
*Sinabi ni DOTr Art Tugade, maaari na natin sabihin na ang teknolohiya ng ating aviation ay katulad na ngayon sa mga teknolohiyang ginagamit ng ibang bansa.*