PARA SA KALIGTASAN | Halos 300 manggagawang Pilipino, umapelang payagang makabiyahe papuntang Kuwait

Manila, Philippines – Emosyonal na humarap ang halos 300 manggagawang Pinoy sa mga labor official para umapela na payagan na silang bumiyahe papuntang Kuwait.

Kabilang sila sa daang-daang Overseas Filipino Workers na patungo sanang Kuwait pero hindi makaalis dahil sa pinaiiral na total deployment ban.

Pakiusap nila, sa mga kumpanya naman sila magtatrabaho at hindi sa mga baha.


Pero paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ayaw niya nang isugal ang kaligtasan ng mga manggagawa.

Hindi pa rin kasi aniya pinipirmahan ng gobyerno ng Kuwait ang Memorandum of Understanding (MOU) na nagtitiyak ng seguridad ng mga OFW sa Kuwait.

Kabilang sa mga kondisyon ng Pilipinas sa MOU ay ang pagsunod ng mga Kuwaiti employer sa standard working hours at napagkasunduang sahod.

Ipinagbabawal din sa ilalim ng mou ang pagpapahiram sa manggagawa sa ibang employer at pagkumpiska ng mga travel document gaya ng visa o passport.

Siniguro naman ng DOLE, POEA at ng mga recruitment agencies na tutulong sila sa pagre-apply at pag-process ng mga Overseas Employment Certificate (OEC) at visa ng mga OFW kapag nag-expire na ang mga ito.

Pinag-aaralan na rin ang mga posibleng financial assistance para sa mga OFW.

Facebook Comments