Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na hindi dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law ang pagtataas ng premium contribution.
Ayon kay Dr. Ish Pargas, officer in charge at Vice President for Corporate Affairs ng PhilHealth, ang pagtaas nila ng premium contribution ay para naman sa kalusugan ng bawat miyembro.
Batay sa PhilHealth, magiging 2.75 percent na ang premium contribution ng formal sector members o mga empleyado, pribado man o nasa gobyerno.
Kasama rin sa pagtaas ng premium contribution adjustment ang mga seaman at kasambahay.
Kasabay nito, sinabi ni Pargas na pinag-aaralan na rin ng PhilHealth na magkaroon ng primary care benefit ang mga empleyado o iyong may consultation, diagnostics, laboratory, gamot o check-up na maaaring makuha kahit hindi naoospital.