PARA SA KAPAYAPAAN │Muslim community sa Quiapo, handang makipagtulungan sa pamunuan ng MPD

Manila, Philippines – Tiniyak ng Muslim Community sa Quiapo sa Lungsod Manila na handa silang makipagtulungan upang mapanatili ang kapayapaan sa Lungsod.

Ayon kay Alnajib Butlangan Maujon Pangulo ng Federation of Muslim Student Association Manila nakipag ugnayan at magsagawa sila ng interfaith dialogue bilang bahagi ng Islamic Awareness Program.

May kasunduan din ang mga Muslim Leader sa MPD na agad nilang ipaparating sa otoridad ang sinumang kahinahinalang indibidwal o sitwasyon na napapansin nila sa kanilang komunidad upang matiyak na walang makakapasok na mga terorista o mga kriminal sa kanilang komunidad.


Facebook Comments