Pinangunahan ng PNP Villasis ang pagsira sa mga ipinagbabawal na tambutso sa bayan ngayong araw ika-31 ng Enero 2018 saa harap ng police station ng Villasis.
Alas 9 ng umaga pinagsama sama ang mga ipinagbabawal na tambutso at sinira sa pamamagitan ng pison. Noong taong 2017 naipasa ang Provincial Resolution No. 219-2017 na nagdedeklara ng ordinansa sa bayan 103-200917 na nagsasabing may parusang itinakda sa maaring mahuling lalabag. Ayon sa ordinansa ang mga ipinagbabawal na tambutso ay nagdadala di umano ng noise pollution na nakakapekto sa tao. Pabor dito ang ilang residente Villasis dahil umano upang mabawasan ang ingay sa kalsada.
Ayon sa PNP Villasis paiigtingin pa di umano ang kampaniya nila sa nasabing ordinansa.
Photo-credited to PNP Villasis