PARA SA MASANG PILIPINO | Hand-washing Facility handa ng i-turnover sa March 26!

Ang paghuhugas ng kamay bago kumain ay napaka importante lalo na sa mga estudyante nating expose sa iba’t ibang outdoor activities sa eskwelahan. Ito ang mainam na dapat gawin ng mga estudyante upang makaiwas sa mga sakit dulot ng maduming kuko at kamay.

Ngunit para sa mga maliliit na eskwelahan na may malaking bilang ng mga estudyante mahirap magkaroon ng sapat na hand-washing facility. Isa ang Victoria Q. Zarate Elementary School sa Dagupan City ang nakakaranas ng kakulangan sa ganitong klaseng pasilidad. Kwento nga ng ilan sa mga guro at estudyante nagsisiksikan sila madalas sa available na hand-washing facility sa ibaba ng kanilang school vicinity.

Ngunit umpisa ngayong March 26, 2018 magiging convenient na ang paghuhugas ng mga kamay ng ating mga estudyante at guro sa Victoria Q. Zarate Elementary School dahil ito sa joint project ng Metrobank Foundation Inc. at RMN Foundation Inc. na dagdag Hand-washing Facility.


Limang faucets ang available sa tiled hand-washing facility ang nakatakdang i-turnover sa darating na lunes sa nasabing eskwelahan. Ngayon pa lamang taos pusong nagpapasalamat si Mr. Renato D. Benitez, Principal III ng Victoria Q. Zarate Elementary School para sa nasabing hand-washing facility dahil narin sa malaking tulong umano ito lalo na sa kanilang may limitadong pondo lamang para makapagpatayo ng mga ganitong klase ng pasilidad.

Excited ang mga estudyante at teaching force para sa turn-over ceremony, food sharing, at gift-giving para sa mga estudyante na dadaluhan ng mga representatives mula sa Metrobank Foundation Inc., RMN Foundation Inc., at 104.7 iFM Dagupan Staff sa March 26, 2018!

Facebook Comments