PARA SA MGA NATURUKAN | Dengvaxia Operations Center, ilulunsad ng DOH

Manila, Philippines – Ilulunsad ng Department of Health (DOH) ngayong linggo ang Dengvaxia Operations Center.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – matutulungan nito ang mga batang nabakunahan ng kontrobersyal ng Dengvaxia.

Dagdag ng kalihim, katuwang nila ang United Parents Against Dengvaxia at National Federation of Dengvaxia Victims Organization para sa pangunahing layuning makahanap ng long-term welfare sa Dengvaxia-vaccinated children.


Nakapaloob aniya sa programa ang psychosocial counseling, pamamahagi ng dengue prevention kits at patuloy na barangay monitoring.

Iginiit din ni Duque na patuloy nilang hinihingi sa Sanofi Pasteur ang full refund sa tatlong bilyong piso na binili nila para sa nasabing bakuna.

Sa ngayon, nasa 1.16 billion pesos pa lamang ang naisasauli ng Sanofi Pasteur sa gobyerno para sa mga hindi nagamit na bakuna.

Facebook Comments