PARA SA OFW | 1,000 trabaho para sa mga Pinoy, bubuksan sa Israel

Nasa isang libong trabaho sa hotel industry sa bansang Israel ang inaasahang mabubuksan para sa mga Overseas Filipino Workers.

Ito ay ayon kay Labor Secretary Silverstre Bello III makaraang lumagda ng agreement ang DOLE at Labor Department ng Israel upang ma formalize ang government to government partnership ng Pilipinas at Israel.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mataas ang demand ng mga Pilipino sa Israel, lalo at mas prefer aniya ng Israel ang mga OFWs kumpara sa ibang mga dayuhang bansa.


Maglalaro sa $1,200 ang basic salary ng mga mapipiling aplikante.

Ayon sa kalihim, bukod sa Israel, nagpakita rin ng interest sa mga OFWs ang Russia, China, Malta, Germany at Japan.

Facebook Comments