Manila, Philippines – Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa Balanggiga Eastern Samar pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte para personal na saksihan ang pagbabalik ng mga balanggiga bells na mula pa sa Estados Unidos ng Amerika.
Ito ang sinabi ni Lorenzana sa isang Interview matapos ihayag ng Malacañang na kinansela na ang unang schedule ni Pangulong Duterte bukas sa Villamor Airbase kung saan ay sasalubungin sana ng Pangulo ang pagdating ng Tatlong kampana.
Sinabi ni Lorenzana, sa December 15 ay pupuntahan ni Duterte ang pagbabalik ng Balanggiga bells pero wala naman itong ibinigay na dahilan kung bakit ito ang napili ng Pangulo.
Nainterview si Lorenzana sa San Miguel Bulacan kung saan makakasama nito si Pangulong Duterte sa awarding ng mga bagong pabahay sa mga sundalo at pulis ngayong hapon.