‘Para walang gulo’: Nadine, Kathryn ayaw magpalitan ng mga ka-love team

via Instagram

Parehong tumangging makipagpalitan ng mga leading man sina ABS-CBN stars Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

Sikat ang dalawang aktres sa kani-kanilang love team na JaDine at KathNiel.

Nangyari namang in eal-life relationship din sila sa mga onscreen partner: si Nadine kay James Reid, at Kathryn kay Daniel Padilla.


Nagsimula ang usapang palitan ng leading man sa episode ng “Tonight with Boy Abunda” noong August 5, kung saan tinanong niya si Kathryn sa isang game kung sino-sino pa ang gusto nitong makatambal.

Mariing tumanggi si Kathryn na makatambal si James Reid dahil daw ayaw niya ng “gulo” at para na rin daw sa ikatatahimik ng dalawang fandom.

Sa parehong challenge kung saan si Nadine naman ang tinanong, sandaling nag-isip ng isasagot ang aktres.

Nang mabanggit ng host na si Boy Abunda ang sagot ni Kathryn noon, agad namang sumang-ayon si Nadine at sinabing nirerespeto niya ang naging pahayag nito.

“Yeah, I respect that. Tadyak na lang. Para nga walang gulo. I respect,” aniya.

Dahil parehong umarangkada ang mga career dahil sa sucessful love teams, hindi maiiwasan ang ilang “fandom war” sa pagitan ng dalawa.

Pareho namang bukas ang dalawang aktres na makatrabaho ang isa’t-isa kung mabibigyan ng pagkakataon.

Facebook Comments