Paraan ng gobyerno ng Ukraine para makausap si PBBM, hindi nagustuhan ng DFA

Hindi nagustuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naging hakbang ng Ukraine na idaan pa sa ibang gobyerno ang pagnanais ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na makausap sa telepono si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM).

Pahayag ito ni DFA Undersecretary Carlos Sorreta sa hirit ni Denys Mykhailiuk, Charges d’Affaires of the Embassy of Ukraine sa Malaysia na noong June, 2022 pa ay gusto ng Ukrainian president na makausap si Pangulong Marcos.

Ayon kay Sorreta, dapat na talakayin ng DFA ang usapin ito sa pamahalaan ng Ukraine.


Sinabi pa ni Sorreta na hindi nagustuhan ng DFA na ipinangalandakan pa sa media ni Mykhailiuk ang naturang usapin.

Hindi aniya magandang diplomatic practice ang ginawa ng opisyal.

Agad namang nilinaw ni Sorreta na maganda naman ang relasyon ng Pilipinas at Ukraine.

Matatandaang binatikos na ni Pangulong Marcos ang Russia sa panggigiyera sa Ukraine.

Facebook Comments