Paraan ng pagdaraos ng SONA, pinag-aaralan pang mabuti

Iginiit ni Senator Christopher Bong Go na dapat isaalang-alang ang kaligtasan at kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasagawa ng State of the Nation Address (SONA) na nakatakda sa ikatlong Lunes ng Hulyo.

Ayon kay Go, kabilang sa mga pinag-aaralan para sa pagdaraos ng SONA ay ang gawin ito sa Malakanyang pero nasa Batasang Pambansa ang mga senators at congressmen habang nag-uulat ang Pangulo.

Sinabi ni Go na isa pang option ay mag-ulat nang live sa palasyo ang Pangulo habang nasa Batasang Pambansa ang mga kongresista at nasa Senate building naman ang mga senador.


Paliwanag ni Go, i-a-asses pa nila ang sitwasyon sa mga susunod na araw habang sa July 15, 2020 ay pag-uusapan kung papayagan ang Pangulo na magtungo sa Batasang Pambansa para mag-ulat pero limitado na lang ang mga imbitado.

Diin ni Go, bawal pa rin ang magdikit-dikit dahil bawal pa ang mass gathering kaya naman dapat ipakita ng gobyerno sa tao na sila ang nangunguna sa pagsunod sa ganitong health protocols na pinaiiral.

Facebook Comments