Isinulong ni House Committee on Appropriations Vice Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo na mabusisi ng kamara ang paraan ng pagpapautang ng Landbank of the Philippines (LBP).
Sa kaniyang privilege speech, ay sinabi ni Quimbo na 61.38% o higit ₱694 billion ng pautang ng Landbank ay sa malalaking korporasyon.
Nabatid ni Quimbo, na 0.09% lamang o ₱1.07 billion ang pautang para sa mga magsasaka at maliit din ang pautang sa mga kooperatiba at maliliit na negosyo.
Paalala ng mambabatas, ang Landbank ay binuo para magserbisyo sa “marginalized sector” tulad ng mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante.
Facebook Comments