Paraan ng pakikitungo ni Sec. Roque sa China, kwinestiyon ng isang senador

Kwinestiyon ni opposition Senator Francis ‘’Kiko’’ Pangilinan si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa paraan ng pakikitungo nito sa China.

Ayon kay Pangilinan, tila nakakatanggap ng suweldo sa China ang kalihim dahil sa pagkiling nito sa nasabing bansa.

Partikular ding pinuna ng senador ang naunang pahayag ni Roque kung saan sinabi nitong hindi parte ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef.


Itinuturing namang normal ni Pangilinan ang mga pahayag na ito ni Roque dahil madalas nitong kontrahin ang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of National Defense (DND).

Sa ngayon, paliwanag ni Pangilinan nakikita niyang tila nag-e-enjoy na ang China sa panonood nito sa nagkakagulong administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isyu sa mga teritoryo.

Facebook Comments