
Kinalampag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pamahalaan na pag-ibayuhin ang paraan ng pagtugon sa mga krisis.
Giit ng senador, kailangang lumipat mula sa reaktibong aksyon tungo sa mas maagap at sistematikong paghahanda.
Paalala ni Cayetano, maraming bansa ang bumubuo ng hiwalay na crisis committees at may nakahandang contingency plans upang masigurong tuloy ang pamamahala sa gitna ng mga sakuna o krisis.
Binigyang-diin din niya na mas epektibo ang pamamahala kung maagap na natutukoy at nahahanda ang posibleng panganib.
Ipinunto rin ng senador ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga nakaraang pagkakamali upang maiwasan ang pag-ulit ng mga ito.
Giit pa niya, dapat ang mga solusyon ay nakaangkop sa aktwal na sitwasyon sa bawat rehiyon, dahil iba-iba ang kalagayan ng mga komunidad.










