Paraan para i-regulate ang e-sabong, kailangang pag-aralan ng mga mambabatas

Hiniling ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga kapwa mambabatas na bumalangkas ng panukalang batas para ma-regulate ang e-sabong at iba pang kaparehong uri ng sugal.

Ayon kay Go, layunin nito na mapigilan ang anumang negatibong epekto ng gambling activities sa ating lipunan.

Pangunahing nais ni Go na mahadlangan ang paglahok o pagtaya ng mga bata sa e-sabong at iba pang sugal.


Giit ni Go, mainam kung ang mga nasa hustong gulang lamang ang papayagang magsugal at hindi ang mga bata na dapat nakatutok lang sa pag-aaral.

Una nang inihayag ni Go na ang pagpapahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng e-sabong ay dumaan sa masusing pag-aaral at para sa ikabubuti ng mamamayan.

Facebook Comments