Paraan para makamit ang sustainable healthy diet ng hindi naisasa-alang-alang ang kalusugan ng ating planeta, tinalakay

Sumentro sa pagkaing masustansya pero hindi mapaminsala sa kalikasan ang naging talakayan ng programang Nutrisyon mo, Sagot ko ng National Nutrition Council sa pagsisimula ng taong 2024.

Sa episode 23, tinalakay ni Ramon Lorenzo Luis Guinto, Associate Professor ng Practical of Global Public Health, Inagural Director ng Planetary and Global Health Program ng St. Luke’s College of Medicine kung paano makakamit ang sustainable healthy diet ng hindi naisasa-alang-alang ang kalusugan ng ating planeta.

Giit ni Guinto, ang ating planeta ay konektado sa kalusugan ng tao kaya dapat lang na pangalagaan natin ang mundo.


Aniya, nakasasama sa planeta ang paraan ng pagproduce ng pagkain sa ngayon tulad na lamang ng climate change ng nakukuhang green house gases na nagmumula sa food system.

Paliwanag nito, parami ng parami ang mga kagubatan ang nasisira dahil ginagawang taniman ng pagkain kung saan halos 30-percent na ng green house gases sa bansa ay mula sa food system.

Kapag lalong aniya lumaki ito ay makakapagdulot ito ng biodiversity lost at maraming endangered species ang mawawala.

Dahil din aniya sa paraan ng pagproduce ng pagkain ngayon ay maraming fresh water ang nagagamit sa mga farmland habang may negatibo epekto rin sa kalikasan ang paggamit ng chemical fertilizer para sa agricultural sector.

Bukod dito, dumarami rin aniya ang plastic na ginagamit sa food packaging na nakakasira sa ating kalikasan.

Payo ni Guinto, kailangang iprayoridad ang kalusugan ng kalikasan at mamagawa lamang ito kung mababago natin ang paraan ng ating pagkain.

Facebook Comments