PARADA NG MGA BAGONG DISASTER RESPONSE AT RESCUE VEHICLES, IBINIDA SA DAGUPAN CITY

Nagsagawa ng parada ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City,kahapon December 26, upang ipakita sa publiko ang mga bagong disaster response at rescue vehicles na inilaan ngayong taon.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga nasabing sasakyan ay inilaan para magamit ng mga barangay, pati na rin ng iba pang rescue teams, upang mapabilis ang pagtugon sa mga sakuna at emergency.

Dinaluhan ang aktibidad ng iba’t ibang ahensya sa lungsod bilang bahagi ng pagpapakita ng nagkakaisang hakbang tungo sa kahandaan ng pamahalaan sa pagtugon sa mga kalamidad.

Sa pahayag ng pamahalaang lungsod, ang pagpaparada ng mga bagong sasakyan ay patunay ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng Dagupan City sa disaster response at rescue operations para sa kaligtasan ng mga residente.

Facebook Comments