Parade of Stars ng 1st Summer MMFF, aarangkada na mamaya!

Aarangkada na mamayang hapon ang Parade of Stars ng kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival.

Magsisimula ang parada mamayang alas-4:00 ng hapon sa Commonwealth Avenue sa Quezon City mula Villa Beatriz hanggang Quezon Memorial Circle.

Sa kabila ng aktibidad, walang isasarang kalsada ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.


Samantala, susundan ang parada ng ‘meet and greet’ sa Liwasang Aurora.

Tampok sa Summer MMFF ang walong pelikula kabilang ang Apag, Singslebells, About us but not about us, Kahit Maputi Na ang Buhok Ko, Love You long time, Unravel: A Swiss Side Love Story, Here Comes the Groom, at Yung Libro sa Napanuod Ko.

Ipalalabas ang mga pelikula mula Abril 8 hanggang 18 habang isasagawa ang gabi ng parangal sa April 11 sa New Frontier Theater.

Ayon naman kay MMDA chairperson Romando Artes, layon ng Summer MMFF na tulungan ang industriya ng pelikulang Pilipino na makabangon mula sa epekto ng pandemya.

Kapag naging matagumpay ay posibleng gawin na ito taon-taon.

Facebook Comments