Paralegal Officer ng BJMP, nag-positibo ng COVID-19 habang nasa Work-from-Home Status

Nagsagawa na ng Contact Tracing ang Bureau of Jail Management and Penology sa mga taong huling nakasalamuha ng isang BJMP Paralegal Officer na nag positibo sa Corona Virus (COVID-19).

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Xaxier Solda isang babae ang BJMP Personnel na nakatalaga sa Quezon City jail Male Dormitory.

Nilinaw ni Solda na naka Work- from -Home Status ang kanilang tauhan mula pa noong  Marso 21 pero hindi idenetalye kung paano nahawa ng virus.


Pinayagan siyang magtrabaho sa bahay bago pa man ipinatupad ang Jail Lockdown dahil  sa dala niyang karamdaman na asthma, hypertension, at diabetes.

Bilang Paralegal Officer,siya ang nagmomonitor sa mga kaso ng mga preso o Persons Deprived of Liberty sa  Korte.

Pagtiyak pa ng BJMP sa publiko na ginagawa nila ang lahat para maipatupad ang mga Precautionary Measures upang protektahan ang mga Jail Facilities laban sa nakakahawang virus.

Facebook Comments