PARALYMPIC | Philippine Paratriathlon Committee, binuo

Manila, Philippines – Isang Philippine Paratriathlon Committee (PPC) ang binuo ng Triathlon Association of the Philippines.

Layunin nito ang magsagawa ng training program para sa mga persons with disability na magiging bahagi ng national team.

Sa pamamagitan ng PPC, inaasahang tataas ang moral ng mga pwd na mabibigyan na ng patas na karapatang maging bahagi ng palakasan.


Target ng komite na makapagpadala ng mga manlalaro sa Asian Paratriathlon Championship na gaganapin sa Albay sa August 2019, sa 2019 Paragames na iho-host din ng Pilipinas at maging sa 2020 Paralympics.

Facebook Comments