Parañaque City government, hinikayat ang mga residente na kubrahin na ang kanilang mga hindi nakuhang ECQ ayuda

Hinimok ng Parañaque City government ang mga residente na kuhanin na ang kanilang ECQ ayuda dahil binigyan na lamang nila ng hanggang Lunes, September 6 ang mga residente para kubrahin ng mga hindi pa nakukuhang ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Parañaque City PIO Head Mar Jimenez, bagama’t halos kumpleto na ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang lungsod, may ilan pang benepisyaryo rin umano ang hindi pa rin kumukuha ng kanilang ayuda.

Paliwanag ni Jimenez na mayroon pang nasa 800 mga benepisyaryo ang hindi pa nakakakakuha ng kanilang ayuda kaya hindi pa sila makapagsimula ng liquidation na kanilang isusumite sa national government.


Dahil dito, nanawagan na ang local na pamahalaan ng Parañaque sa kanilang mga residente na kuhanin na ang mga natitirang ECQ ayuda.

Giit pa ni Jimenez na aabot sa P604 million ang ibinabang budget ng national government para sa ayuda ng halos 604,000 residente ng Parañaque City noong panahon ng ECQ.

Facebook Comments