Parañaque City Government, maglalabas ng ₱200-M na pondo para sa Modified ECQ

Maglalabas ng 200 milyong piso ang lokal na pamahalaan ng Parañaque bilang pondo para sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito’y para pambili ng food packs at bigas na ipapamahagi sa mga residente mula May 16 hanggang Mayo 31, 2020.

Ang ayuda ng lokal na pamahalaan ng Parañaque sa loob ng Modified ECQ ay pang-limang beses na nilang gagawin upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente lalo na ang mahihirap.


Habang naka-Modified ECQ, matatanggap ng mga residente ng Parañaque ang 2nd tranche naman ng cash aid ng Social Amelioration Program (SAP) na nagmula sa national government para sa 16 na barangay sa lungsod.

Sinabi naman ni Mayor Edwin Olivarez na ang mga pamilya na hindi nakatanggap ng SAP cash assistance ay makatatanggap ng cash aid mula sa lokal na pamahalaan.

Nabatid na nakumpleto na ng Parañaque City Government noong Linggo ang pamamahagi ng SAP cash aid sa 17,760 families sa 16 na barangay kasabay ng deadline na itinakda ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Facebook Comments