Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Paranaque City Government na maaari nang mag-“walk in” ang mga nais na magpababakuna pero prayuridad pa rin ng City Health Office ang mayroong confirmation mula sa Lungsod.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivares kagaya sa ibang mga lungsod umarangkada na rin kahapon ang bakunahan laban sa Covid-19 sa hanay naamn ng A4 Priority Sector o Essential Workers sa ilang mga Vaccination Site sa Parañaque City.
Paliwanag ng alkalde, itinuturing na essential workers o Economic Frontliners ang mga manggagawa na kailangan ng lumabas ng bahay para maghanapbuhay gaya ng guardia,mga nagtatrabaho sa grocery, bangko at media.
Target na mabakunahan ay 3,000 mga frontliners kung saan umaasa ang LGU na marami pang mga residente na nais magpababakuna upang tuluyan ng umusad ang negosyo sa lungsod.